80 pamilya sa Las Piñas na inilikas sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding, nakabalik na sa kani-kanilang tirahan

80 pamilya sa Las Piñas na inilikas sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding, nakabalik na sa kani-kanilang tirahan

Nakabalik na sa kani-kanilang tirahan ang nasa 80 na pamilya o 211 na indibiduwal na isinailalim sa pre-emptive evacuation ng Las Piñas City Government sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding.

Masusing tinutukan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Office ang agaran at ligtas na paglilikas ng mga nasabing residente sa mga natukoy na evacuation sites ng lungsod.

Habang nasa evacuation centers ay namahagi ang mga social workers ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.

Kabilang sa mga ipinagkaloob sa mga residente ay ang family food packs, sleeping materials at naglatag din ng mga tent para sa mas maayos at kumportableng pagtulog ng mga ito.

Nagbigay naman ng seguridad ang mga tauhan ng Las Piñas City Police para sa kaligtasan ng mga inilikas.

Walang naitalang baha at wala rin naiulat na nasaktan o namatay sa lungsod sa pananalasa ng bagyo.

Muling siniguro ni Mayor Mel Aguilar na laging nakahandang tumulong ang Pamahalaang Lokal sa mga mamamayan nito lalo na sa ganitong panahon ng kalamidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *