Pfizer hiniling ang pag-apruba ng US-FDA para mabigyan ng COVID-19 booster shot ang mga edad 5-11 panlaban sa Omicron

Pfizer hiniling ang pag-apruba ng US-FDA para mabigyan ng COVID-19 booster shot ang mga edad 5-11 panlaban sa Omicron

Naghain ng aplikasyon para sa emergency authorization sa US Food and Drug Administration ang kumpanyang Pfizer at BioNTech para magamit ang kanilang COVID-19 vaccine sa pagbibigay ng booster shot sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Sa inihaing emergency authorization request ng kumpanya, nakasaad na ang mga bata ay bibigyan ng 10-microgram dose.

Ang bagong generation ng anti-COVID vaccines ng Pfizer ay tatargetin hindi lamang ang orihinal na strain ng COVID-19 kundi maging ang BA.4 at BA.5 na subvariants ng Omicron.

Mahigit 90 percent ng COVID-19 infections ngayon sa US ay pawang Omicron subvariants.

Sa sandaling aprubahan ng FDA ang aplikasyon ng Pfizer, kakailanganin pa din ang go signal mula sa Center for Disease Control and Prevention, bago magamit ang bakuna bilang pang-booster sa mga bata. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *