Dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin itinalaga bilang bagong executive secretary ni Marcos

Dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin itinalaga bilang bagong executive secretary ni Marcos

Si dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang magiging bagong executive secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kapalit ni Atty. Vic Rodriguez.

Ang appointment kay Bersamin ay kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Nakapanumpa na sa puwesto si Bersamin bilang bagong ES ngayong Martes, Sept. 27.

Nakatakda na ring dumalo si Bersamin sa Cabinet meeting ngayong araw sa Malakanyang.

Si Bersamin ay nanilbihan bilang CJ sa Korte Suprema mula 2018 hanggang 2019. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *