8 kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng Typhoon Karding; higit 60K katao ang naapektuhan
Mahigit 60,000 katao o katumbas ng mahigit 16,000 na pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Typhoon Karding sa bansa.
Ayon sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Na inilabas alas 8:00 ng umaga ng Martes, Sept. 27, umabot sa 51,191 na katao ang inilikas mula sa Region 1, 2, 3, Calabarzon at Mimaropa.
Kumpirmado din ayon kay NDRRMC deputy spokesperson Raffy Alejandro na 8 na ang nasawi sa pananalasa ng bagyo habang mayroon pang 3 pinaghahanap.
Kabilang sa 8 nasawi ay ang 5 rescuers sa San Miguel, Bulacan.
Nakapagtala na din ng mahigit P1.5 million na halaga ng pinsala sa agrikultura. (DDC)