Bahagi ng Luzon at Western Visayas makar aranas pa rin ng pag-ulan dahil sa buntot ng Typhoon Karding
Kahit nasa labas na ng bansa ang Typhoon Karding na may international name na “Noru”, magpapaulan pa rin ito sa ilang bahagi ng Luzon at sa Western Visayas.
Ang bagyong Noru ay huling namataan sa layong 735 kilometers west ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 185 kilometers bawat oras.
Sa weather forecast ng PAGASA Ngayong araw ng Martes (Sept. 27), ang Habagat at ang trough ng Typhoon Noru ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Occidental Mindoro, Bataan, Zambales, at sa Western Visayas.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa dahil sa Habagat. (DDC)