8,000 pulis, 11,000 na na tauhan ng BFP tumutulong sa disaster response at relief efforts ng pamahalaan
Kabuuang 8,642 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ipinakalat sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. tumutulong ang mga pulis sa disaster relief at peace and order efforts katuwang ang 11,619 na tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sinabi ni Abalos na sa mahigit 8,000 pulis na naka-deploy, 3,030 ang nasa mga evacuation centers, habang 5,612 ang nasa mga vital installations gaya ng palengke, gas stations, terminals, warehouses, relief operation centers at iba pang public convergence areas.
Ipinakalat sila sa NCR; Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5; at CAR.
Sa BFP naman, ipinakalat din ang kanilang mga tauhan sa mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo.
Nagtalaga din ang BFP ng 1,596 firetrucks, 103 ambulansya, 22 rescue trucks, at 7 rescue boats.
Pinuri naman ni Abalos ang mga LGUs sa maagap na hakbang ng mga ito at pagpapatupad ng pre-emptive evacuation bago pa ang pagtama ng bagyong Karding. (DDC)