Ilang health facilities sa Nueva Ecija napinsala ng bagyong Karding
May mga napinsalang health facilities sa Nueva Ecija dahil sa pananalasa ng bagyong Karding.
Sa situational briefing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. iniulat ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na isang rural health unit ang nagtamo ng minor damages, may infirmary na nasira ang bubong at mayroong drug rehabilitation center na tumagas ang tubig ulan sa bubong.
Sinabi ni Vergeire na wala namang naapektuhang pasyente sa insidente.
Mayroon lamang aniyang ilang pasyente ang kinailangang alisin muna at inilipat sa mas ligtas na bahagi ng infirmary.
Sinabi ni Vergeire na agad ding sasailalim sa repair ang mga napinsalang pasilidad. (DDC)