Pananagasa ng SUV driver sa isang street sweeper sa Parañaque kinondena ng NCRPO
Mariing kinondena ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, Brigadier General Jonnel C. Estomo ang nangyaring hit and run ng Mitsubishi SUV na seryosong ikinasugat ng 63-anyos na street sweeper sa Parañaque City kamakailan.
Tinuligsa ng NCRPO ang aksyon ng driver ng SUV na bumangga at tinakbuhan pa sa halip na tulungan at dalhin sa pagamutan ang sugatang street sweeper ng BF Homes, Parañaque City.
Nakuhanan pa ng CCTV sa lugar ang nangyaring insidente na nagresulta ng multiple injury sa biktima.
“I highly appreciate the effort and concern of the residents of BF Homes in Parañaque who helped and rushed the elderly street sweeper to the Hospital. At the same time, I also want to thank the brave witness who personally went to Parañaque Police Traffic Bureau to give his statement which greatly helped in the arrest of the suspect on the same day,” ani ARD Estomo.
Aniya walang alinlangan na ang koordinasyon at kooperasyon sa ating komunidad kasama ang puwersa ng pulisya ay mahalaga para sa maagang pagresolba ng krimen sa ating lugar.
Sinisiguro naman ng NCRPO chief sa publiko na isasagawa ang kaukulang imbestigasyon at mapapanagot ang suspek sa kanyang ginawa. (Bhelle Gamboa)