Mahigit 1.2 million na customer ng Meralco nakaranas ng power interruption dahil sa bagyong Karding

Mahigit 1.2 million na customer ng Meralco nakaranas ng power interruption dahil sa bagyong Karding

Umabot sa mahigit 1.2 million na customer ng Meralco ang nakaranas ng power interruption dahil sa pananalasa ng bagyong Karding.

Ayon sa Meralco, naibalik naman na ang suplay ng kuryente sa mayorya ng gma naapektuhan.

Hanggang Lunes (Sept. 26) ng umaga ay mayroon pang 51,773 customers ang apektado ng power interruptions sa Bulacan, Rizal at Marikina.

Sinabi ng Meralco na patuloy ang pagsasagawa ng restoration ng kanilang mga crew upang maibalik ang suplay ng kuryente.

Samantala sa hiwalay na update mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mayroon pang mga customer sa Nueva Ecija, Aurora at Tarlac ang wala pang suplay ng kuryente.

Ayon sa NGCP nagsasagawa na ng simultaneous restoration activities ang kanilang mga crew. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *