Zero casualty sa pananalasa ng Bagyong Karding naitala sa QC

Zero casualty sa pananalasa ng Bagyong Karding naitala sa QC

Nakapagtala ng zero casualty sa Quezon City matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod, umabot sa 9,371 na katao ang inilikas.

Ang mga ito ay nabigyan ng family food packs, hot meals at maayos na tulugan.

Ngayong umaga, binigyan na sila ng clearance ng Disaster Risk Reduction and Management Office para makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Nagpasalamat naman ang QC LGU sa mga reisdente sa pakikiisa at pakikipagtulungan upang makamit ang zero casualty sa lungsod.

Nagpasalamat din ang pamahalaang lungsod sa mga first responders kabilang ang mga tauhan ng QCDRRMO, Department of Public Order and Safety, Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management, City Health Department, City Engineering Department, at iba pang ahensya na tumulong para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa pananalasa ng bagyong Karding. (DDC) 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *