Bagyong Karding humina pa; Signal No. 1 nakataas sa pa rin sa ilang lalawigan sa Luzon
Humina pa ang Bagyong Typhoon Karding habang kumikilos papalayo sa Luzon.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 230 kilometers West ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 160 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 30 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– central and western portions of Pangasinan (Santa Barbara, Bayambang, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, San Carlos City, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Infanta, Malasiqui, Alcala, Bautista)
– Zambales
– western portion of Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban)
– northwestern portion of Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca)
Ayon sa PAGASA hanggang ngayong tanghali ay makararanas pa ng light to moderate with at times heavy rains sa Zambales, Bataan, Lubang Islands, at sa western portion ng Pangansinan.
Maaari ding makaranas ng occasional rains at monsoon rains sa susunod na 24 na oras sa western sections ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Karding Lunes (Sept. 26) ng gabi. (DDC)