Pangulong Marcos nagsagawa ng aerial inspection sa Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lalawigan sa Central Luzon na tinamaan ng bagyong Karding.
Kabilang sa ininspeksyon ng pangulo ang Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac,
Nagpatawag din ang pangulo ng situation briefing Lunes (Sept. 26) ng umaga sa opisina ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito ay para pulungin ang bawat kawani ng mga ahensya tungkol sa sitwasyon sa bawat lugar na naapektuhan ng Bagyong Karding.
Kasaman sa pulong sina DND OIC Jose Faustino Jr., DOH OIC Maria Rosario Vergeire, DSWD Sec. Erwin Tulfo, DILG Sec. Benjamin Abalos Jr., DOE Sec. Raphael Lotilla, DICT Sec. Ivan John Uy, PMS Sec. Ma. Zenaida Angping, SAP Sec. Antonio Lagdameo Jr., DOST Usec. for Regional Operations Sancho Mabborang, PNP Deputy Chief for Administration PLTGEN. Jose Chiquito Malayo, AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, at OCD Administrator Usec. Raymundo Ferrer. (DDC)