Humanitarian Caravan ng Red Cross handa nang i-deploy
Nakahanda na para sa deployment ang humanitarian caravan ng Philippine Red Cross.
Nagpatawag ng pulong si Red Cross Chairman Richard Gordon para pagplanuhan ang pagresponde sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Karding.
Anumang oras ayon sa Red Cross ay handa nang ideploy ang kanilang humanitarian caravan.