Klase sa mga lugar na may storm warning signals otomatikong suspendido – DepEd
Otomatiko nang suspendido ang klase mula kindergarten hanggang Grade 12, gayundin ang pasok sa trabaho sa mga public schools sa mga lugar na mayroong public storm warning signals.
Ayon ito sa updated na kautusan na ipinalabas ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa DepEd Order No. 37 na nilagdaan ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, kapag mayroong bagyo, ang in-person at online classes, kasama ang pasok sa trabaho sa mga public schools, at alternative learning system ay suspendido na sa mga lugar na may TCWS No. 1, 2, 3,4 at 5.
Kahit naman walang storm warning signals na nakataas pero may itinaas na Orange o Red Warning ang PAGASA, suspendido din ang klase sa kindergarten hanggang grade 12.
Habang nasa pagpapasya ng mga LGUs kung magsususpinde ng klase kapag Yellow warning ang nakataas. (DDC)