Ministop convenience stores papangalanan nang “Uncle John’s”

Ministop convenience stores papangalanan nang “Uncle John’s”

Babaguhin na ang pangalanan ng Ministop convenience stores matapos itong mabili ng Robinsons.

Ayon sa pahayag ng Robinsons Convenience Stores, Inc. (RCSI), papalitan ang pangalan ng Ministop at tatawagin na itong “Uncle John’s”.

Ito ay bilang pagpupugay sa legasiya ng founder ng Gokongwei Group na si John Gokongwei Jr.

Ang nasabing pangalan ang napili ng humingi ng suhestyon ang Robinsons para sa magiging bagong tawag sa convenience store.

Ayon kay Suresh Ramalinggam, General Manager of ng Robinsons Convenience Stores Inc. sa 800,000 mahigit participants, ang Uncle John’s ang top choice sa mga entry. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *