Marcos, Biden nagkaroon ng bilateral meeting

Marcos, Biden nagkaroon ng bilateral meeting

Ibinahagi ni US President Joe Biden ang pakikipagpulong niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang dalawang lider ay kapwa dumadao sa United Nations General Assembly (UNGA).

Naganap ang bilateral meeting sa pagitan nina Marcos at Biden sa Intercontinental Hotel sa New York City.

Sa post sa Twitter sinabi ni Biden na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US ay nag-ugat sa demokrasya, common history, at people-to-people ties.

Sinabi ni Biden na nananatiling matatag at malakas ang alyansa ng dalawang bansa.

Nagpasalamat si Marcos kay Biden sa mga tulong nito sa Pilipinas sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19 kabilang ang mga donasyong bakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *