Hiling ng DOJ na maideklarang terorista ang CPP-NPA ibinasura ng korte
Ibinasura ng korte sa Maynila ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na ideklarang terorista ang CPP-NPA.
Sa resolusyon ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar, ipinakikita ng CPP-NPA program na ito ay inorganisa hindi para maghasik ng terorismo.
Sinabi din ng korte na ang “armed struggle” ay nangyayari para makamit ng CPP ang purpose nito subalit hindi talaga ito ang rason kung bakit nabuo ang organisasyon.
Noong 2018 ay naghain ng proscription case ang DOJ sa korte para maideklarang terrorist group ang CPP-NPA sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act. (DDC)