Bagyong Karding magpapaulan sa Northern at Central Luzon simula sa Sabado

Bagyong Karding magpapaulan sa Northern at Central Luzon simula sa Sabado

Simula sa Sabado (Sept. 24) ng gabi ay maaari nang makaranas ng malakas na pag-ulan ang Northern at Central Luzon dahil sa Tropical Depression Karding.

Ayong sa PAGASA, magdudulot ang bagyo ng isolated hanggang sa kalat-kalat na pag-ulan.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,370 kilometers east ng Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometer bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 55 kilometers bawat oras.

Simula sa Biyernes ng gabi o sa Sabado ng umaga ay maaaring magtaas na ang PAGASA ng tropical cyclone wind signal sa ilang lalawigan sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA ang bagyo ay tatama sa kalupaan ng Cagayan o Isabela sa araw ng Linggo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *