Pagpapasuot ng PPE set sa mga paalis na OFWs kinuwestyon ni Sen. Pia Cayetano

Pagpapasuot ng PPE set sa mga paalis na OFWs kinuwestyon ni Sen. Pia Cayetano

Kinuwestyon ni Senator Pia Cayetano ang patuloy na pagpapasuot ng personal protective equipment (PPE) sa ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na umaalis sa bansa.

Personal na nakita ni Cayetano ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakasuot ng PPE set, may face mask, face shield at footies.

Ang iba ayon kay Cayetano, nakasuot pa ng gloves.

Nagtataka si Cayetano kung bakit kailangan pa itong i-require sa mga OFW gayung pinagaan na nga ng maraming mga bansa ang ipinatutupad nilang COVID-19 restrictions.

Maraming bansa ang hindi na nire-require ang face shields, at ang pagsusumite ng negatibong resulta ng RT-PCR test.

Sinabi ni Cayetano na hindi kumportable ang mga Pinoy na bibiyahe ng mahaba suot ang full PPE set.

Maliban dito, dagdag gastusin pa ang pagbili ng PPE sa mga OFW.

Ayon kay Cayetano, ipinarating na niya ito kay Department of Migrant Worker Secretary Susan Ople.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam YG (@_samyg)

Sa Instagram post ng TV at radio host na si Sam YG, ibinahagi din nito ang video sa NAIA kung saan nakapila ang mga OFW sa kaniyang harapan na pawang naka-PPE.

Sa nasabing post ni San YG, may mga nag-komento na pawang seafarer umano ang nakasuot ng PPE at requirement umano ito ng kanilang agency. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *