P419M na pondo inilaan sa 2023 national budget para sa pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines

P419M na pondo inilaan sa 2023 national budget para sa pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines

Naglaan ng P419.3 million na pondo sa 2023 National Expenditure Program (NEP) para sa pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman, ang paglalaan ng nasabing pondo ay patunay na committed ang gobyerno sa pagtitiyak ng kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Sinabi ni Pangandaman na kailangan ang Virology Institute para sa proactive na pagtugon ng gobyerno sa mga emerging virus.

Bahagi ng nasabing pondo ang P250 million na gagastusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagtatayo ng VIP building sa Capas, Tarlac. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *