World Car Free Day ginugunita ngayong araw

World Car Free Day ginugunita ngayong araw

Makikiisa ang Department of Health (DOH) sa paggunita ngayong araw sa World Car Free Day.

Taun-taong ginugunita ang World Car Free Day kung saan hinihikayat ang mga motorista na huwag munang magdala ng kanilang mga sasakyan, para mabawasan ang air pollution, mabawasan ang gasoline demand at traffic congestion.

Sa araw ding ito ay hinihikayat ang publiko na mas itaas ang kanilang physical activity sa pamamagitan ng paglalakad o pagbibisikleta.

Magkakaroon ng aktibidad ngayong araw sa DepEd Central Office at sa Rizal High School sa Pasig City

Ayon sa DOH, ngayong tumataas ang preyso ng gasolina, dapat itaas ang kampanya para sa promosyon ng active transport at gawing ligtas ang lansangan para sa mga kabataan.

Ang pagiging aktibo sa physical activities ayon sa DOH ay makatutulong din sa paglaban sa COVID-19 dahil mas mataas ang panlaban sa sakit kung malakas ang resistensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *