LPA at bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

LPA at bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Dalawang weather system ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, ang Low Pressure Area ay huling namataan sa layong 1,265 kilometers ng East ng Central Luzon.

Isang bagyo naman ang namataan sa layong 1,775 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.

Ang bagyo ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Samantala, apektado pa rin ng Habagat ang Central at Southern Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang buong bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *