11 PWD couples sabay-sabay na ikinasal sa Taguig

11 PWD couples sabay-sabay na ikinasal sa Taguig

Labingisang person with disability (PWD) couples ang pinag-isang dibdib sa idinaos na Kasalang Bayan ng Taguig City Government na may temang “Sa Lungsod ng Taguig, Kasalang Bayan para sa mga Taong may Kapansanan, PWeDe!” ngayong Miyerkules, Setyembre 21.

“We keep saying that love knows no boundaries. The set of couples who enlisted for this wedding ceremony prove just that,” sabi ni Mayor Lani Cayetano na nangasiwa sa seremonya ng kasal sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan.

“More than sending the message that marrying for love is possible or pwede for our citizens with disabilities,” dugtong ng alkalde.

Sinisiguro ni Mayor Lani na ang Taguigueno PWDs ay makatatamasa ng parehong mga karapatan tulad ng iba kasama na rito ang karapatang bumuo ng masayang pamilya, maayos at payapang tahanan at marami pang iba.

Ang mass wedding ay inorganisa ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) sa koordinasyon ng Civil Registry Office.

Ipinagkaloob ang oportunidad sa Taguigueño couples, isa rito ay PWD. Sa siyam na magkasintahan, isa ang may kapansanan habang ang isa ay hindi habang ang tatlo pang couples ay parehong nakarehistro bilang PWDs.

Ang naturang programa ay inilaan para sa mga walang sapat na pondo upang mag-organisa ng kanilang pansariling kasal.

Sinagot ng lokal na pamahalaan ang rings, arrhae, wine, cake, at venue ng mga ikinasal.

“This is not the first and only program benefitting PWDs in Taguig. They also receive benefits and privileges, which protect them against discrimination and empower them to live a full life,” ani Mayor Lani.

Ang mga organisasyon ng PWD sa mga barangay sa lungsod ay may monthly allowances na P500 hanggang P3,000. Ang lahat ng rehistradong PWDs ay nakatatanggap din ng birthday cash gift na P1,000.

Nagsasagawa rin ang Taguig ng medical and dental missions, at livelihood trainings bilang direktang pagtulong sa PWDs. Bukas din sa mga oportunidad sa trabaho sa job fairs bilang bahagi ng lkkalnna pamahalaan sa pagha-hire o pagtanggap ng PWDs.

Pinalalahok ang mga paralympians sa mga sporting events. Ang mga batang may espesyal na pangangailangan ay makakakuha ng edukasyon at physical therapy sa Sentro Kalinga.

Sa pagtataguyod ng kulturang walang diskriminasyon, ang Taguig LGU ay nagbibigay ng trainings para sa kanyang workforce, mula sa disability sensitivity hanggang sa Filipino sign language. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *