DOTr at MMDA mas pinalakas ang ugnayan para sa road projects
Pinalakas pa ng Department of Transportation (DOTr) ang kanyang kolaborasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa implementasyon ng EDSA Busway, Active Transportation, at EDSA Greenways projects.
Nitong Setyembre 20, tinalakay nina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor at MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III ang mga pamamaraan sa pagpapabuti ng mga operasyon at imprastruktura ng EDSA Busway para mas maayos na serbisyuhan ang mga commuters.
Maigting na isinusulong ng DOTr and MMDA ang paggamit ng bisikleta bilang aktibong transportasyon na ikinokonsiderang nababagay sa new normal ng pampublikong transportasyon.
Ang isa pang inisyatibo ng DOTr ay ang EDSA Greenways Project na layung magbigay sa pedestrians ng maayos at environment-friendly elevated walkways sa mahahalagang lugar sa EDSA.
Dumalo rin sa pulong sina Engr. Kurt Leighton C. Agustin, EnP. Jarizza Mae U. Biscante, Usec. Pastor, Acting Chairman Dimayuga, EnP. Eldon Joshua N. Dionisio, at Engr. Joshua Joseph R. Rodriguez. (Bhelle Gamboa)