Tulong ng NBI at DILG hiniling upang mahuli ang mga scammer na nagpapanggap na tauhan ng DBM

Tulong ng NBI at DILG hiniling upang mahuli ang mga scammer na nagpapanggap na tauhan ng DBM

Humingi ng tulong ang Department of Budget and Management (DBM) sa National BUreau of Investigation (NBI) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para mahuli ang mga nasa likod ng solicitation scam.

Nagpadala ng liham si DBM Secretary Amenah F. Pangandaman kay Interior Secretary Benjamin A. Abalos, Secretary Pangandaman para hingin ang tulong ng ahensya na maabisuhan ang mga local government units (LGUs) at mga local chief executives (LCE) laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na taga-DBM.

Gamit ang pekeng dokumento, lumalapit umano ang mga scammer para makakuha ng pondo sa mga pekeng programa at proyekto.

Hiniling din ng DBM sa DILG na ipalaganap sa publiko ang babala tungkol sa nasabing modus.

Nais din ng DBM na matukoy ang mga umaaktong middlemen para makalikom ng pera.

Sa ilalim ng nasabing modus, humihingi ng pera ang mga scammer bilang garantiya na mapapabilis ang pagpapalabas ng Local Government Support Fund (LGSF)-Financial Assistance (FA) sa ilalim ng General Appropriations Act.

Samantala, umapela si Pangandaman sa NBI upang mahuli ang mga suspek.

“Muli po kaming nananawagan sa ating mga kababayan na makipag-transact lamang po sa official channels ng DBM. Rest assured that the DBM will exert all efforts and employ the fullest extent of the law to identify, apprehend, and file charges against these deceitful individuals,” ayon sa DBM Chief. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *