Pondo para sa SPED sa ilalim ng 2022 budget puwede pang magamit sa 2023 ayon sa DBM

Pondo para sa SPED sa ilalim ng 2022 budget puwede pang magamit sa 2023 ayon sa DBM

Mayroon pang humigit-kumulang P550-milyong pondo na maaari pang magamit ng Department of Education (DepEd) para sa Special Education (SPED) hanggang December 31, 2023

Ipinaliwanag ng Department of Budget and Management (DBM) na sa ilalim ng 2022 National Budget, naglaan ang gobyerno ng Php 560.2-milyong pondo para sa pagpapatupad ng SPED programs.

Ito ay mananatiling valid o available for use hanggang December 2023.

Sinabi ng DBM na as of June 30, 2022, P6.35-milyon o 1.13% pa lamang ang nagagastos ng DepEd para sa SPED, kaya mayroon pang P550 million na natitirang pondo na maaaring gamitin ng para sa programa sa mga estudyanteng mayroong special needs hanggang matapos ang 2023.

Sakali mang kulangin ayon sa DBM, ay maaaring mag-realign o mag-modify ang DepEd mula sa budget o halagang nakapaloob sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nakalaan para sa Operations of Schools – Elementary school at Junior High School. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *