LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,015 kilometers east ng Central Luzon.

Papalayo sa bansa ang direksyon ng LPA kaya ayon sa PAGASA, wala itong direktang epekto saanmang panig ng Pilipinas.

Samantala, apektado pa rin ng Habagat ang central at southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin pa rin ang marraranasan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Northern Palawan kabilang ang Cuyo Islands.

Habang bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *