DSWD at PAO nagsanib-puwersa para habulin ang mga amang hindi nagsusustento sa anak

DSWD at PAO nagsanib-puwersa para habulin ang mga amang hindi nagsusustento sa anak

Bilang na ang mga araw ng mga ama na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak sa kanilang ex-wife, dating kinakasama, o girlfriend na naanakan.

Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo at Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta para habulin ang mga ama na ayaw sustentuhan ang kanilang anak sa kanilang mga ex.

Paliwanag ni Tulfo, kapag may nanay na lumapit sa kanila para ireklamo ang ama na hindi nagsusustento, magpapadala sila ng liham upang bigyang warning ang ama.

A kung nagmatigas pa rin ito ay ang PAO naman ang tutulong sa nasabing solo mom para maghain ng reklamo sa korte.

Ayon naman kay Acosta, “bilang na ang araw ng mga walang kwentang mga ama na ito. Posibleng kasong kriminal pa ang kakaharapin ng taong ito”.

Aniya, walang dahilan na hindi sustentuhan ng tatay ang anak niya lalo na kung ito ay may hanapbuhay o pinagkakakitaan.

Kaugnay nito, hinimok nina Tulfo at Acosta ang mga ina na lumapit sa DSWD at ireklamo ang mga ama ng kanilang mga anak.

Dagdag pa ni Tulfo, “it does not matter kung may asawa o kasama ng iba si mommy, dahil ayon sa batas, dapat lamang sustentuhan ng tatay ang kanyang anak hanggang 18 years old”.

Paglabag sa Article 194 at 195 ng Family Code of the Philippines at Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang ikakaso sa mga tatay na pabaya.

Ang RA 9262 ay may kaakibat na parusang pagkabilanggo mula isa hanggang dalawampung taon at penalty na P100,000 hanggang P300,000. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *