Labor Sec. Laguesma kumpirmado na ng CA

Labor Sec. Laguesma kumpirmado na ng CA

Nakumpirma na ng Commission on Appointments si Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma.

Si Bacolod City Representative Greg Gasataya, chairman ng CA panel, ang nag-sponsor sa rekomendasyon ng komite para aprubahan ang appointment ng kalihim.

Ayon kay Gasataya, mailnis ang rekord ni Laguesma bilang contractual mediator at arbiter sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at bilang Labor Department chief sa ilalim ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Nagpahayag din ng tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri kay Laguesma at sinabing “very qualified” ito sa posisyon.

Naniniwala si Zubiri na ngayong nasa post-pandemic era ang bansa, kailangan ang kagaya ni Laguesma para makatulong sa labor sector. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *