Pangulong Marcos nakipagdayalogo sa top officials ng tatlong malalaking kumpanya sa US

Pangulong Marcos nakipagdayalogo sa top officials ng tatlong malalaking kumpanya sa US

Nakipagdayalogo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyante mula sa tatlong malalaking kumpanya sa US.

Ipinakita sa pamamagitan ng video sa RTVM ang magkakahiwalay na pulong ni Marcos sa mga executives ng NUscale Power, WasteFuel, at Boeing.

Ang nasabing serye ng pulong ay ginawa ni Marcos bago pormal na magsimula ang kaniyang opisyal na aktibidad sa United Nations General Assembly (UNGA).

Ang NuScale Power ay isang American energy firm na nag-aalok ng advanced nuclear technology.

Habang ang California-based na WasteFuel ay nagpo-produce naman ng renewable fuels.

Nakipagpulong din si Marcos sa mga matataas na opisyal ng Boeing na leading aerospace company sa mundo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *