Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin dahil sa Habagat

Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin dahil sa Habagat

Magpapatuloy ang mararanasang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa epekto ng Habagat.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Martes, Sept. 20, ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bataan at Zambales ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang mararanasang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha o landslides.

Ganap na alas 8:00 ng umaga ngayong araw sinabi ng PAGASA na nakararanas pa rin ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa NCR, Zambales, Bataan, Cavite at Rizal.

Pinayuhan ng PAGASA ang local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa nasbaing mga lugar na bantayan ang lagay ng panahon at ang mga susunod na abiso ng PAGASA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *