7,000 trabaho iaalok sa idaraos na Tourism Job Fair
Pitong libong trabaho ang naghihintay para sa idaraos na job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Tourism (DOT).
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, ang job fair na may temang said the employment program, “Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair,” ay idaraos sa Manila, Cebu, at Davao mula September 22 hanggang 24.
Magkakaroon ng online pre-registration sa mga nais na lumahok sa job fair.
Ayon kay Frasco, kabuuang 7,510 job vacancies mula sa 147 na kumpanya ang iaalok sa job fair.
Narito ang schedule ng job fair at ang link kung saan maaring magparehistro:
Manila (September 22-24) – https://bit.ly/philtourismjobfair
Cebu (September 22-23) – https://bit.ly/cebuphiltourismjobfair
Davao (September 22-23) – https://bit.ly/davaophiltourismjobfair