BREAKING: Korte sa Taguig nagpalabas ng warrant of arrest laban kay Vhong Navarro

BREAKING: Korte sa Taguig nagpalabas ng warrant of arrest laban kay Vhong Navarro

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court laban sa comedian-host na si Vhong Navarro.

Ito ay kaugnay ng kasong acts of lasciviousness na kinakaharap ni Navarro na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

P36,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Navarro.

Ayon naman sa abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga, agad ding susuko sa sa NBI ang kaniyang kliyente.

Ang kasong acts of lasciviousness ay hiwalay pa sa inihaing kasong rape ni Cornejo laban kay Navarro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *