Irene Marcos-Araneta dadalo sa state funeral ni Queen Elizabeth
Si Presidential sister Irene Marcos-Araneta ang kakatawan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state funeral ni Queen Elizabeth II.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kasama ni Marcos-Araneta na dadalo sa state funeral ang kanilang asawa na si , Gregorio MarĂa Araneta 3rd.
Sinabi ni Angeles na dadalo si Marcos-Araneta at kaniyang asawa sa mga aktibidad para sa State Funeral.
Nasa New York kasi si Pangulong Marcos para sa United Nations General Assembly. (DDC)