TINGNAN: 70 toneladang election campaign tarpaulins ginawang tote bags sa QC
Ibinida ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang reusable tote bags na gawa mula sa mahigit 70 toneladang election campaign tarpaulins na nakulekta noong nagdaang May elections.
Ang nasabing mga tote bags ay tinahi ng mga kababaihan mula sa QC sewers cooperative at Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Ang Vote To Tote program ay inilunsand ng Quezon City LGU noong May 2022 bilang bahagi ng livelihood project sa ilalim ng “No Women Left Behind”.
Layunin din ng programang ito na maiwasan ang matinding pagbaha at posibleng masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran dulot ng mga kalat mula sa campaign materials.
Kabilang sa mga tumahi ng tote bags ang mga PDLs mula sa QC Jail Female Dormitory.
Ang mga tinahing tote bags ay ibebenta upang makatulong sa mga PDLs. (DDC)