POGO establishment sa Pampanga ipinasara ng DILG dahil sa Human Trafficking

POGO establishment sa Pampanga ipinasara ng DILG dahil sa Human Trafficking

Ipinasara nitong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) establishment sa probinsiya ng Pampanga matapos masangkoy sa human trafficking.

Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos at mga opisyal ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang permanenteng pagsasara ng Lucky 99 Outsourcing Inc. na matatagpuan sa Fil-Am Friendship Hi-Way, Angeles City, Pampanga kasunod ng serye ng raids o pagsalakay na nagresulta ng pagkakarescue sa 43 na dayuhan na ilegal na dinala sa naturang establisyimento.

Sinabi ni Abalos na patuloy ang pulisya na tugisin ang lahat ng indibiduwal na kabilang sa illegal scheme bilang parte ng pinaigting na crackdown sa industriya ng POGO na sangkot sa human trafficking.

Humingi ng tulong ang DILG mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Securities and Exchange Commission (SEC) na halukayin at masusing imbestigahan ang nasabing isyu.

“With the help of PAGCOR and SEC, we will be able to identify who are the individuals behind this illegality,” ani Abalos sa kasagsagan ng shutdown ng Lucky 99 na nag-ooperate na walang lisensiya.

Nabatid na humingi rin ng tulong ang DILG sa Bureau of Immigration upang suriin ang mga visa ng 40 na iba pang nasagip na biktima.

“We will make sure that all victims will be accorded due process as the immigration checks their documents and visas properly to avoid being victimized again,” pahayag pa ng DILG chief.

Nanawagan din si Abalos sa publiko na ireport sa awtoridad ang mapapansing ilegal na aktibidad sa kanilang lugar.

“We are nearing the end of the pandemic and the only way to put a stop to this is by working together,” sabi pa nito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *