Work from home scheme mas pinalawak ng DOLE

Work from home scheme mas pinalawak ng DOLE

Mas pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang work from home scheme na humihikayat sa mga employer at manggagawa na magkasundo sa iisang work from home set up.

Ito ay upang makatulong na mapanatili ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa ayon sa DOLE.

Nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang Department Order 237 o ang revised implementing rules at regulations ng telecommuting law, o ang Republic Act 11165.

Sa ilalim ng kautusan, ang telecommuting ay dapat pasok pa din sa minimum labor standards.

Nakasaad sa kautusan na ang ‘regular workplace’ ay nangangahulugang ang pangunahing lugar ng negosyo o anumang sangay na opisina o pisikal na lugar na itinatag o ibinigay ng employer kung saan ang mga empleyado ay regular na nag-uulat o gumaganap ng trabaho. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *