99 percent bumoto ng “Yes” para sa paghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya
Nakakuha ng 99 percent na “Yes” votes sa plebisitong idinaos sa Maguindanao na naglalayong hatiin sa dalawa ang lalawigan.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) nakapagtala ng 80.94 percent na voter turnout na katumbas ng 712,857 na bumoto mula sa 881,790 na rehistradong botante sa probinsya.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, na umabot sa 706,651 o 99.27 percent ang bumoto ng “Yes” habang 5,206 lamang o 0.73 percent ang bumoto ng “No”.
Layon ng plebisito na matukoy kung pabor ang mga mamamayan ng Maguindanao sa Republic Act No. 11550, ang batas na magtatakda sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. (DDC)