MMDA kaisa sa International Coastal Cleanup Day
Nakikiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup (ICC) Day ngayong araw ng Sabado,Setyembre 17.
Sa kaganapang ito ay nagtitipon-tipon ang mga volunteers upang mangolekta ng mga basura sa dalampasigan, dagat at iba pang daluyan ng tubig.
Kaugnay nito, regular na nagsasagawa ang ahensiya ng cleanup drive sa dalampasigan ng Manila Bay upang masigurado ang kalinisan at maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.
Ang MMDA ay isa sa member-agency ng Manila Bay Rehabilitation Program ng DENR na nagsimula noong 2019 na may layunin maayos ang kalidad ng tubig sa lugar para maibalik ito sa dati niyang sigla. (Bhelle Gamboa)