Pangulong Marcos nakaalis na patungong New York para dumalo sa UN General Assembly

Pangulong Marcos nakaalis na patungong New York para dumalo sa UN General Assembly

Nakaalis na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong New York para dumalo sa 77th session ng United Nationsl General Assembly (UNGA)..

Sa kaniyang departure speech, sinabi ng pangulo na sa Sept. 20 nakatakda siyang maglahad ng national statement sa UNGA.

Sa nasabing talumpati ilalahad umano niya ang mga inaasahan ng Pilipinas sa UN at ang papel at kontribusyon ng bansa sa pagpapatibay ng international relations.

Sinabi ng pangulo na ibabahagi din niya ang vision ng Pilipinas sa people-centered development sa pamamagitan ng pag-highlight sa mga plano ng gobyerno hinggil sa economic recovery, food security at agricultural productivity.

Tinatayang aabot sa 150 heads of state and government ang dadalo sa nasabing pagtitipon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *