DOH sang-ayon sa WHO na papatapos na ang COVID-19 pandemic

DOH sang-ayon sa WHO na papatapos na ang COVID-19 pandemic

Sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa pahayag ng World health organization (WHO) na maaaring papatapos na ang pandemya ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni DOH officer-in-charge Sec. Maria Rosario Vergeire, matapos man ang pandemya ay mananatili na ang COVID-19.

Dahil dito, kailangan aniyang maging patuloy na handa at maingat.

Aasahan ayon kay Vergeire na magkakaroon pa rin ng outbreak ng COVID-19.

Ani Vergeire, kailangang ipagpatuloy ang pagpapatatag sa sistema, immunity ng mga mamamayan, tiyaking handa ang mga pasilidad, at protektado ang bawat isa.

Una nang sinabi ng WHO na malapit nang matapos ang pandemya ng COVID-19 dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng naitatalang abgong kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *