Vaccination drive sa Las Piñas nagpapatuloy
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Las Piñas sa pagsasagawa ng kanyang pagbabakuna kontra COVID-19 upang siguruhin ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan nito.
Ang vaccination drive ng lokal na pamahalaan ay isinagawa sa mga itinakdang vaccination sites sa District 1 at District 2 ng lungsod.
Layunin nitong mabigyan ng proteksiyon ang mga Las Piñeros laban sa virus at iba pang nakahahawang variants nito.
Kaugnay nito, patuloy ding hinihikayat ng Las Piñas LGU ang mga residente na magpabakuna at kumuha ng booster shots para sa karagdagang proteksiyon laban sa mga sakit.
Muling tinitiyak ng pamahalaan na ang mga bakuna ay ligtas, dumaan sa matinding pagsusuri at pamantayan, at libreng ipinagkakaloob sa mga mamamayan. (Bhelle Gamboa)