DOH nakapagtala ng 2,619 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 2,619 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw ng Biyernes, Sept. 16.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 3,916,162 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa.
Ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ay 26,363 habang 3,827,320 naman ang total recoveries.
Nakapagtala din ng dagdag na 32 pang pumanaw dahil sa sakit. (DDC)