OFW remittances umabot sa US$3.24 billion noong Hulyo
Umakyat sa US$3.24 billion ang naitalang remittances ng mga Overseas Filipinos noong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ito ay 2.3 percent na mas mataas kumpara sa US$3.17 billion na remittance noong July 2021.
Ito na rin ang ikapitong sunod na buwan na nakapagtala ng mataas na OFW remittance.
Ayon sa BSP, ang pagtaas ng personal remittances noong July 2022 ay dahil sa ipinadalang remittance ng mga land-based workers na may kontratang isang taon pataas at sea and land based workers na may kontratang hindi aabot sa isang taon.
Tumaas din ng 2.3 percent o umabot sa US$2.92 billion ang naitalang cash remittance na ipinadaan sa mga bangko.
Sa nakalipas na pitong buwan ng taong 2022, ang cash remittances mula sa US, Saudi Arabia, Singapore at Qatar ang nakapag-ambag sa pagtaas ng remittance. (DDC)