Manila LGU naglabas ng ordinansa sa pagpapatupad ng optional masking sa open spaces
Naglabas na ng ordinansa ang pamahalaang lungsod ng Maynila na nag-aatas ng boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga open spaces.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 8901, nakasaad na batay sa Executive Order No. 3 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay papayagan na din ang voluntary wearing of cace masks sa open spaces at non-crowded areas.
Pinapayuhan pa rin ang mga hindi pa fully vacicnated, senior citizens, at immunocompromised individuals na patuloy na magsuot ng face mask.
Mananatili namang mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar at events gaya ng fiesta, feast of Black Nazarene, “tiangge”, Christmas super spreader events, at iba pang kahalintulad na okasyon. (DDC)