Fajardo, Thompson, iba pang PBA players target maisama sa Gilas Pilipinas sa pagsabak sa fifth window ng Fiba World Cup Asian Qualifiers

Fajardo, Thompson, iba pang PBA players target maisama sa Gilas Pilipinas sa pagsabak sa fifth window ng Fiba World Cup Asian Qualifiers

Target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maisama si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Scottie Thompson ng Barangay Ginebra sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa fifth window ng Fiba World Cup 2023 Asian Qualifiers sa Nobyembre.

Ayon sa SBP, kukuha sila ng mga manlalaro mula sa San Miguel Beer, TNT, at Ginebra para isasa sa Gilas Pilipinas sa pagharap nito laban sa Jordan at Saudi Arabia.

Maliban kina Fajardo at Thompson, target din ng SBP na maisama sa line-up sina CJ Perez, Japeth Aguilar, Arvin Tolentino, Roger Pogoy at Poy Erram.

Sinabi ng SBP na nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng management ng tatlong team at ni National team head coach Chot Reyes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *