Pagtatapos ng pandemya ng COVID-19 nalalapit na ayon sa WHO
Nakikita ng World Health Organization (WHO) na nalalapit nang matapos ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, patuloy kasi sa pagbaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa mundo.
Katunayan noong nakaraang linggo aniya ay naitala ang “lowest level” ng bagong kaso ng COVID-19 o pinakamababang bilang mula noong March 2020.
Hiniling ni Ghebreyesus sa mga iba’t ibang mga bansa na samantalahin ang pagkakataong ito at mas lalo pang paigtingin ang mga ipinatutupad na hakbang para maiwasan ang muling pagtaas ng kaso.
Nangangamba din ang WHO na maaaring maraming kaso ang hindi na naiuulat sa WHO dahil sa mas pinababang “testing requirement”.
Hinikayat ng WHO ang mga bansa sa mundo na tiyaking mababakunahan ang 100 percent ng kanilang most at-risk groups kabilang ang mga health workers at mga nakatatanda. (DDC)