Disaster preparedness sa Metro Manila mas palalakasin

Disaster preparedness sa Metro Manila mas palalakasin

Pinulong ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) ang local DRRMOs ng Metro Manila at member-agencies para ilatag kung paanong higit pang palalakasin ang kapabilidad at mabilis na aksyon ng pamahalaan sa kalamidad at sakuna.

Sa pangunguna ni MMDA Acting Chairman at MMDRRMC Chairperson Carlo Dimayuga III, nag- report ng kanilang kahandaan ang DOST-NCR tungkol sa Disaster Prevention and Mitigation; DILG-NCR tungkol sa Disaster Preparedness; at DSWD-NCR tungkol sa Disaster Response.

Napagkasunduan din ng konseho na i-update ang kanilang mga plano sakaling tamaan ng kalamidad at sakuna ang Metro Manila base sa direktiba ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na magkaroon ng unified at mas maayos na coordinated disaster response strategy ang pamahalaan.

Inilatag naman ang mga plano sa pagsasagawa ng Shake Drill na bahagi ng earthquake preparedness ng MMDA sakaling magkaroon ng pagyanig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *