Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa ng severe tropical storm

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa ng severe tropical storm

Lumakas pa ang bagyong nasa labas ng bansa at ngayon ay nasa severe tropical storm category na.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong “Nanmadol” sa layong 1,830 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong
West northwest.

Ayon sa PAGASA papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.

Papangalanan itong “Josie”.

Sinabi ng PAGASA Na sa susunod na 24 na oras ay lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category.

Gayunman, mananatili itong malayo sa Philippine landmass at hindi direktang makaapekto sa lagay ng panahon sa bansa.

Subalit palalakasin nito ang Habagat na maaring magpaulan sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *