DOH nakapagtala na ng 1,770 na kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong taon
Patuloy na nadaragdagan ang naitatalang kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang August 27, 2022 ay 1,770 leptospirosis cases na ang naitala.
Mas mataas na ito ng 36% kumpara sa kaso ng leptospirosis na naitala sa kaparehong petsa noong 2021 na 1,299 lamang.
Karamihan sa naitalang kaso ay mula sa NCR (378, 21%), Region VI (210, 12%) at Region II (195, 11%).
Sa nakalipas na halos isang buwan o mula July 31 hanggang August 27, nakapagtala ng 327 na bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 112 cases ang mula sa NCR; 21 cases sa Region XI at 29 cases sa Region VI.
Nakapagtala na din ng 244 na nasawi dahil sa leptospirosis ngayong taon. (DDC)